21 Feb
21Feb

CHAPTER ONE

Calling all passengers bound for Manila, Philippines..... 

Parang naalimpungatan si Maricon sa kanyang pagbabalik tanaw sa buhay nya apat na taon na nakalilipas...

"Yes Police officer, this helper stole my signature bags. I just found out today that many of my expensive bags. I am sure officer she brought to Philippines when she went for vacation."

No madam, I didn't get your things" sabi ni Maricon na takot na takot dahil sa baka hulihin sya ng mga police. We left the house at the same time last February 15 and you know how small my bag.. it was only a hand carried bag, how will your bags fit in the that small bag." paliwanag ni Maricon, hoping na makiki clear ng paliwanag nya ang bagay na ibinibintang sa kanya...

"You're a liar! Maybe you already took it out of the house before our departure so that you can have an alibi" Susog pa ng bruha nyang amo. "Officer, please I am very sure that my helper is the one who stole my bags, no one else is here but her." You need to take action and make sure to punish this lady." Sabi na naman ng bruhang employer.

"You can file a formal complain against your helper, but for now because you don't have any solid evidence against her, the only thing we can do is to make a blotter or record of this incident." Sabi ng police na nagsisilbing taga awat sa galit ng employer ni Maricon na halos umusok ang ilong sa galit.

"Madam, please believe me I didn't stole your bags, I fear GOD; I know it is evil to take someone else things.. I will never do that, I swear." Please madam don't make things difficult with me just because I decided not to renew my contract with you anymore. I honestly told you the reason why I can't renew the contract anymore, and this is exactly the reason, because you always accuse me of dishonesty and no decent rest." Paliwanag nya sa amo at mga pulis na nakikinig ng mga oras na yun.

"I don't care if you don't want to renew, but you need to be accountable for the things you stole from me, those bags are worth several tens of thousand and you stole those..." pataray pang sabi ng bruha..

Wala ng nagawa si Maricon kundi umiyak ng umiyak at palihim na magdasal na sana matapos na ang bangungot na nararanasan nya ng mga oras na yun...


15 February 2019, Manila Airport....

Mama... Mama.... Papa hayun si Mama, yeheyyyyyy... Masayang kaway ni Natalie, ang nag iisang anak ni Natalie...

Anak, wow sobrang cute naman ng baby ko... Salamat sa DIOS anak at nataon na ang bakasyon ng amo ko ay natapat sa 7th birthday mo.. Matutupad ni Mama ang pangako ko na mabigyan ka ng party kahit simple lang...

Talaga mama? Yehey.. you are the best mama in the whole wide world... Papa, you see sabi ko sa yo, tutuparin ni mama ang promise nya... Excited na ko isuot ang Elsa dress ko... Let it go... let it gooo.. pakanta pang tuloy ni Natalie...

O sya, sa bahay nyo na ituloy ang kwentuhan na yan at gagabihin tayo sa daan. Inarkila ko lang ang jeep ni Pareng Kaloy, sabi ni Henry na asawa ni Maricon...

Let's go mama, excited na ko matikman mga pasalubong mo... sabay hawak ni Natalie sa kamay ni Maricon na para bang hindi na napapansin ang kanyang ama dahil sa matinding excitement.

Iba talaga nagagawa ng technology sa ngayon no, parang hindi kayo nagkalayo ng anak mo, sabi ni Henry.. Hindi man lang sya nailang sa yo kahit na dalawang taon mahigit kayong nagkalayo... Sabi ni Henry habang kinukumutan nya ang anak na si Natalie..

Oo naman, sinisuguro ko talaga na kahit sampung minuto makausap ko sa video call si Natalie, para nga masigurado na hindi nya ako makakalimutan or hindi malayo kalooban nya sa kin... At saka matalino kaya talaga ang anak natin.. syempre naman mana sa kin yan eh... Pang aasar ni Natalie sa asawa...

Eh ako ba naman namiss mo, paglalambing ni Henry kay Maricon sabay yaka at halik sa asawa.. Halika na marami kang utang sa kin, kailangan mo ng mag umoisang magbayad... sabi pa nito sabay bitbit sa kanya patungo sa kanilang kwarto...


Mama, sobrang thank you... ang saya saya ng party ko, dumating lahat ng classmates ko at dami kong gifts... Pati sina teacher dumating din.. Salamat to the max mama, you are that best...

Anak, salamat sa pag appreciate kahit sobrang simple lang ng party mo sobrang appreciation ang pinakikita mo sa min ni Papa mo. 

Syempre naman mahal, sobrang sarap kaya ng mga handa na niluto mo.. aba daig pa namin ang kumain sa five start hotel, sabi ni Henry... Yes papa at sobrang cute ng cake ko, ang galing galing talaga ng mama ko... 

Sobrang saya ni Maricon na makita ang anak na ganito ka proud sa kanila ng asawa nya. Kung tutuusin napaka simple ng party ni Natalie, lahat ay lutong bahay lamang pamula sa panghimagas at sa mga main dishes na niluto nya.. Kahapon pa ng hapon sya nagstart magready sa tulong ng kanyang mga kapatid at kaibigan ay maayos nilang nairaos ang 7th birthday ng kanyang unica iha... 

Kung meron lang silang malaking extra na pera mas gusto sana nya na sa Jolibee celebrate ang birthday ng anak, subalit ayaw nilang mag asawa na gumastos ng masyadong malaki sapagkat nais nilang matapos ng mabilis ang kanilang naumpisahan na bahay, hindi pa kasi ito tapos at malaki laki pang pera ang kailangan para ito ay matapos...

Kinabukasan, maagang maaga pa lang ay ginising na ni Maricon ang asawang si Henry.. Mahal gising na, maaga tayong pupunta sa Divisoria ngayon para bilihin ang mga stocks para sa tindahan natin, salamat sa DIOS ng marami dahil tamang tama din sa bakasyon ko natapos ang ating maliit na tindahan dito sa harap ng bahay natin. Tama ang desicion natin na unahin ang tindahan na tapusin bago na natin ipa finish ang mismong kabahayan, mahalaga pwede na syang tirahan. Pakonti konti natin ipapaayos ang mga partitions, kahit na mga rough finish lang muna, salamat sa pag intindi mahal... May awa ag DIOS, konting panahon pa pwede na tayong magkasama sama ulit as buong family...

Pagbalik ko sa Hong Kong, tatapusin ko lang ang contract ko kay Mrs Chow at hahanap ako ng ibang amo, mahirap na kasi dahil hindi na healthy ang relationship namin... As in sobrang tiis ginagawa ko mahal, pero sulit naman dahil nakikita ko na lahat ng pinaghirapan ko at maayos mong namamanage.. Sabi ni Maricon sa asawa sabay yakap dito....

Wow, mama, we are rich... sabay kandirit ni Natalie... see Papa may grocery store na tayo... 

Hahaha, no anak... smal sari sari store lang.. not grocery store.. ang gorcery store mas malaki at mas maraming paninda... Galingan mo anak, tulungan mo si Papa at si Lola na magbantay sa tindahan para pagbalik ko maging grocery store na sya... 

Yes Mama promise, I will help, pero dapat may lollipop ako every afternoon... pacute cute na sabi ni Natalie na nagpatawa sa kanilang mag asawa at sa nanay ni Natalie na syang tatao sa tindahan nila, dahil may work din si Henry bilang taxi driver...


Mama, tomorrow ka na alis please... naiiyak na sabi ni Natalie. 

HIndi pwede anak kasi makaknsel ang tiket ni mama, wala na tayong pambili pag nakansel to.. Don't worry araw araw ulit tayo video call, tatago ulit si mama sa toilet para makatawag sa yo, exciting di ba...


Promise yan mama ha, at saka promise ha papadalahan mo ko sa pasko ng malaking doll house ha.. at gusto ko may mga iba ibang dress yung mga dolls... naiiyak na sabi ni Natalie...


Oo anak, promise ni mama yan.. You know naman di ba, para matapos na ang house at para mapalaki na natin ang ating store into grocery store.. After that, promise mama will stay for good na...


Chapter 2


HIndi matapos tapos ang iyak ni Maricon habang inaalala ang mga bagay na to, napakasaya nila ng umuwi sya para magbakasyon. Ang naging pinaka luho lang nila ay ang nagdaang birthday party ni Natalie, dahil nais nga nila na magamit ang pera sa mas mahahalagang bagay...

Hindi pa rin maprocess ng utak nya kung bakit ganito ang ginawa ng amo nya sa kanya.. Hindi naman sya dinampot ng mga police dahil nga sa kakulangan ng evidence, subalit dahil sa decided ang amo nya na magsampa ng formal complain kaya kailangan pa rin nya na magreport sa police station for further questioning.

At dahil nga sa tinerminate na rin ng amo ang kanyang contract kaya bumaba na rin sya sa bahay ng bruha nyang amo.. Luckily, dahil less than one month na lang naman ang natitira sa kanyang contract kaya pwede na syang considered finish contract as early release. Isang malaking pasasalamat nya sa DIOS na mutually agreed as early release ang nailagay sa termination paper nya...

Sis, wag ka pong mag alala; may awa ang DIOS. Alam naman natin na hindi totoo ang paratang ng amo mo sa yo. Pagpapalakas ng loob ni Avie sa kanya, kasamahan nya si Avie sa church at nagkataon na may maliit itong agency sa Hong Kong...


Sis Avie, natatakot ako, pano na lang po kung hindi na ko makakuha ng amo at hindi na ma approve ang visa ko dito sa Hong Kong, pano na lang po yung mga plano namin. Hindi pa po tapos ang bahay namin at wala pa kaming ipon para sa anak namin... Sana naman po matulungan nyo ako na makakuha ng amo... Makakakuha pa po kaya ako...

Sabi ko nga sa yo sis palaging may awa ang DIOS, bahala na SYA... Basta puntahan mo yung interview mo today, malakas ang pakiramdam ko na hindi ka hahayaan ng DIOS na magka interview pa kung hindi rin naman nya papayagan na ma approve ang visa mo sis... Sabi nga di ba.. hinati nga ni LORD ang dagat dati para sa kanyang mga lingkod na Israelites, ano na lang yung hipuin nya ang kalooban ng officer para maaprove ang visa mo...

I have an idea how to do this processing hopefully maging okay...

2:45PM,

Mong Kok Police Station...

Sorry, no one is allowed to accompany her in the interrogation room, so you just wait here while we do the interview.. Sabi ng police kay Mavie na sumama kay Maricon sa police station..


Okay na ko sis, bahala na si LORD, salamat sa pag alalay sa kin, hintayin mo na lang ako dito..


3:45 PM...

Musta.. okay ka lang ba Sis Maricon... nag aalalang tanong ni Mavie kay Maricon...

Okay naman ako sis, binigyan nila ako ng copy ng interview ko, pinaliwanag ko sa kanila na hindi ko talaga kinuha, at pano ko madadala kung sakali na nilabas ko ng una yung mga bag kung sabay sabay kami nagpunta sa airport at nauna pa akong mag check in sa kanila.. Sabi ko pa, kung talagang kinuha ko yung mga bags nya na sinasabi nya na mahigit sampung libo ang pinakamura bakit pa ako babalik dito sa Hong Kong di sana binenta ko na lang yun at hindi na ko bumalik..

Basta sabi nila, kung sakali na may kailangan pa sila sa kin tatawagan nila ako at hindi ako pwede lumabas ng Hong Kong habang hindi pa natatapos ang case ko... Kaya sana naman talaga makakuha ako ng visa kasi pano ako mabubuhay dito at pamilya ko sa Pinas kung wala akong work.. sana talagang magustuhan ako ni Ms Joan na mag interview sa kin now..

Wag kang mag alala Sis Maricon, dahil nabigyan ko na ng idea ang amo ng problem mo kay Mrs Chow, at sabi ko sa kanya I personally vouch for you dahil kasamahan kita s church, the fact na gusto ka pa rin nyang interviewhin, ibig sabihin may malaking chance tayo... pwede kasi syang manghingi sa kin ng iba pero she still want to see you... 


So, Marivie are you sure you can take care of two young children, they are nice but naughty. 

You don't need to worry about your issue with your previous employer, I also doubt that you are capable of stealing expensive bags... So if you are okay with taking care of two young children then I am willing to sign contract with you, just tell me what supporting documents you require from me and I will provide it.

No worries, Ms Joan, I will prepare all the necessary documents from immigration form, employment contracts and supporting documents.. I am pretty sure, as long as Sis Maricon discloses to immigration the issue she has with previous employer and as long as you support her meaning you are well aware about the issue and still you are willing to employ her is a big help already..

Okay, then its settled, pag confirm ni MS Joan kay Maricon na hindi nagsasalita kundi umiiyak na lang sa sobrang tuwa na pagtitiwala ni Ms Joan sa kanya..

There is only one thing that I am concern about., that it may take long time or what if the immigration will not approve her visa? 

Natigilan si Maricon, biglang bumagsak ang balikat nya sa biglang sinabi ni Ms Joan...

Well let's see what will be the initial review of immigration, anyways my current helper is still with us, and she promised to extend the visa if needed before she go home for good.

At  muli napahagulhol ng iyak si Maricon sa sinabi ni Ms Joan at paulit ulit nyang pinasalamatan ang babae...


This is your Captain Enriquez, we have reached our destination..... Welcome to NInoy Aquino International Airport...


Mama... mama... Papa si mama hayun sya... Mama.. Mama... sigaw ni Natalie...

Salamat po AMA, hindi nyo po ako pinabayaan.. Salamat po at pinagkalooban nyo po ako ng amo na katulad ni Ms Joan, maayos kung nairaos ang apat na taon sa kanila.

Ngayon ay for good na ako, natapos na ang bahay namin at napalaki na rin namin ang aming maliit na tindahan. May naipon na rin kami kahit pano para sa education ni Natalie... 

Maayos rin naman ang trabaho ni Henry dahil sarili na namin ang taxi na minamaneho nya... Salamat po sa mga tao na ginamit mo para malampasan ko ang matinding dagok sa buhay ko, kay Sis Mavie na hindi ako iniwan at umalalay ng maayos...


Muwah.. muwah.. Mama welcome back.. Why are you crying, malungkot ka ba na umuwi ka for good?


Ngiti at halik ang sinagot ni Maricon sa anak nya... Let's go home anak . mahal.. I miss our home na...


                                                -end-


 

 

Comments
* The email will not be published on the website.
I BUILT MY SITE FOR FREE USING