REFUSED VISA ang isa nating KASAMBAHAY

Isang malungkot na balita ang dumating sa aking kaalaman ngayong araw na ito. Isang helper na itago natin sa pangalan na SUSAN ang narefused ang working visa.

Ito ay maaring sa dahilan na ang kanyang released letter ay may hindi maganda na comment na kanyang pinirmahan. Tandaan ang paglalagay natin ng pirma sa kahit anong dokumento ay pagpapatunay ng ating pag sang ayon na payag tayo or tama ang nilalaman ng dokumento na ating pinirmahan.

Ito ang maaaring nagbunsod sa opisyal na nagre review ng kanyang dokumento para tawagan ang kanyang mga nagdaan na amo, at sa kasamaang palad parehas na amo ay nagbigay ng negatibong reaksyon or impormasyon patungkol sa kanya.

Ayon sa may ari ng ahensya, nag verify sila muli sa mga amo at ang mga nakuha na impormasyon ay negatibo sa parehas na nagdaan na pagka empleyo ng ating kasambahay na si SUSAN.

Sobrang lungkot ang naramdaman ni SUSAN sa pangyayari na ito, hindi nya akalain na pati ang nauna nyang amo na hindi nya kinakitaan ng kahit anong hindi maganda ay negatibo rin ang sasabihin sa kanya.

Samantala, pagkaraan makauwi sa boarding house si SUSAN at malaman nya ang resulta ng pagtawag sa kanyang naunang amo, doon nya nailabas ang kanyang sama ng loob at ang bagay na hindi nya nasabi sa umpisa ay kanyang naibahagi sa pagkakataon na to. Nasabi nya na sya pala ay napagbintangan ng kanyang naunang amo tungkol sa pagkalaglag or pagkahulog ng sanggol na inaalagaan nya, subalit ipinaliwanag naman nya na hindi sya kundi ang nanay ng amo nyang lalaki ang tumitingin sa sanggol ng oras na nahulog ito. Ang buong akala ni SUSAN ay maayos nyang naipaliwanag ang pangyayari na ito, kaya nagulat sya na ito ay nagbigay ng negatibong impormasyon patungkol sa kanya.

Sa ngayon, tinutulungan sya ng kanyang ahensya baka sakali na maconvince ang bagong amo na bigyan sya ng pagkakataon at tulungan na mare open ang application para sa kanyang visa.


Lesson, wag po tayong mag pipirma kung ang nilalaman ng sulat or form ay hindi totoo or hindi makatutulong sa atin. Palagi po tayong may karapatan na tumanggi sa pag pirma.

Ipaalam sa agency ang mga importanteng pangyayari na maaring maka apekto sa ating pag aapply, kung maayos ang agency mo sasabihan ka ng totoong chances mo.



I BUILT MY SITE FOR FREE USING