HILONG HILO NA KASAMBAHAY

Ito ay kwento ng isang new comer na kasambahay dito sa Hong Kong, pangalanan natin sya na JOANA.

Sa loob ng kulang na 3 months, hindi maganda ang naranasan ni JOANA sa kanyang amo dito sa Hong Kong, nalaman nya na ganito rin ang naging karanasan ng dating kasambahay sa amo nya.

Isang araw during her rest day, bumisita sya sa isang agency upang mag inquire lang muna sana kung ano ba ang magandang gawin nya sa problema nya.

Hindi lang advise at guidance nakuha nya that day, nabigyan din sya ng prospective employer, at decision nya na lang hinihintay kung ipaprocess ba ang kontrata nya sa amo na nakagusto sa kanya.

Sa ngayon ay nahihilo sya, dahil inofferan sya ng amo nya na dagdag na sahod wag lang sya umalis.. Ang amo nya naereklamo na ng pinalitan nya, kaya talagang mahihirapan sila na kumuha ng kapalit nya..

NAHIHILO si Joana, kailangan nya mag decide.. gabayan sya nawa.. 

I BUILT MY SITE FOR FREE USING