DON'T BE GREEDY! DELIKADO!!!

WARNING : DO NOT BE FOOLED BY BEING GREEDY!

Isang pinay ang dinakip ng mga pulis sa immigration ng nagdaan na linggo. Ang kababayan natin na itago natin sa pangalan na "BELEN" ay hinuli habang naghihintay ng kanyang pagbabayad sa counter dahil pick up nya dapat ang kanyang visa.

Ayon kay BELEN, naiwala nya ang kanyang ATM CARD na nagkataon na ang pin number nito ay naisulat nya sa likod ng kanyang ATM. Dinakip sya dahil sa may malaking halaga ng pera na umaabot sa ilang daang libong HKD ang pumasok sa ATM nya at agad ding winiwithdraw sa pamamagitan ng ATM nya.

Diumano, hindi na nya report dati ang pagkawala dahil sa HKD78 lang daw ang laman nito. Sa ngayon ay nagpyansa sya ng HKD2,000 upang pansamantalang makalaya habang dinidinig ang kaso nya.

Sa pagpost ko ng bagay na to sa Facebook, marami ang nagcomment sa kin at nagpadala ng private message upang ikwento ang kanilang naging karanasan. 

Ito pala ay isang scheme na kung san oofferan ka ng ilang libo kada transaction.. Ingat mga kababayan, isa itong bagay na sisira sa inyong buhay

Hindi ko po sinasabi na naging greedy si BELEN, kasi ang sabi naman nya ay nawala ang kanyang ATM.. subalit naging careless sya sa paglalagay ng PIN NUMBER nya sa likod ng ATM CARD nya.

Matuto po tayong maging maingat

I BUILT MY SITE FOR FREE USING